ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA

PAMAGAT:  MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO

TARGET:  MASTER OF ARTS IN EDUCATION

(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT

TAPIK: ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA

LAYUNIN:

  1. Nalalaman ang iba’t ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa pagtuturo at ang iba pang makabagong paraan sa pagtuturo nito (wika).
  2. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika.
  3. Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa pagtuturo ng wika.
  4. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo.

 

  1. I.   Ang mga Katangian ng Isang Mabisang  Estratehiya sa Pagtuturo

Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng Filipino na ipinalalagay na mabisa:

  1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.
  2. Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.
  3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
  4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.
  5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.
  6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
  7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
  8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
  9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
  10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

 

  1. II.            Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika
  • EDCOM REPORT – nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa pagsapit ng taong 2000.
  1. Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa lahat ng asignatura.
  2. Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy na ituturo bilang hiwalay na subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
  3. Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging wika ng pagtuturo para sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
  4. Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.
  5. Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na mataas na larangan, dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong pangkolehiyo.
  6. Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa pamamagitan ng Filipino.

 

  1. III.         Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika

Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

             NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin

NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o ang kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?

  • Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang  language competence (kaalaman sa wika) at language performance (kakayahan sa paggamit ng wika).
  • TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag-uusap.

 

Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita at matanggap ng lipunan na binuo ni Hymes sa akronim na SPEAKING.

SPEAKING ni Hymes. . . .

            S-Setting (saan nag-uusap)

P-Participants (sino ang nag-uusap)

E-Ends (ano ang layon ng pag-uusap)

A-Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati, pangungumusta, pagtatanong)

K-Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)

I-Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)

N-Norms (ano ang paksa ng usapan)

G-Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)

 

  1. IV.        Ang mga Paraan/Estratehiya at Pagdulog sa Pagtuturo ng Wika

Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mga mag-aaral: personal, interpersonal, directive, referential at imaginative.

Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng kayarian ng wika kundi binibigyang-diin ang paglinang ng kakayahang umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita sa aspetong pambalarila.

Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga sumusunod na estratehiya gaya ng inilalarawan sa dayagram.

                                                                     

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Estratehiyang Tuwiran

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Estratehiyang Di-tuwiran

(Mga Estratehiyang Pangmetakognitib, Pang-apektib at Pansosyal)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

  1. V.   Ang Pamaraang Komunikatib sa Pagtuturo ng Wika
  2. A.  Ano ang Pamaraang Komunikatib?
  • Nag-ugat  sa notional-functional approach na pinaunlad ni David Wilkins ng Britanya. (pokus sa mensahe kaysa sa porma o istruktura)
  • Pinansin at binago ni Wilkins ang kanyang sariling pagtuturo ng wika.
  1. B.     Ang Batayan ng Pamaraang Komunikatib
  • Iba’t iba ang batayang lumalaganap na teorya ng communicative competence.
  • Pinakapopular ang batayang pinaunlad ni Michael Canale at Merril Swain.
  • Ayon sa kanila may apat aspekto o elemento ng communicative competence
  1. Linguistic Competence-kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wika na sang-ayon sa mga tuntunin sa gramatika.
  2. Socio-Linguistic Competence-isang batayang interdisciplinary.  Nakakaunawa at nakagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika.
  3. Discourse Competence-may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-isang pangungusap kundi ng buong diskurso.
  4. Strategic Competence-Wala raw taong perpekto ang kaalaman tungkol sa kanyang wika at nakagagamit ng kaalamang ito sa tuwina na walang problema. (Coping o survival Strategies)

 

  1. C.     Ang mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Pamaraang Komunikatib

Ano ang mga prinsipyong sinusunod ng pamaraang komunikatib?

ü  Una, sa paggamit ng wika, malinaw sa mga makikipagtalastasan kung ano an konteksto ng talastasan.

ü  Pangalawa, ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, di katulad noong araw na ang gawain ng guro ay ituro partas o istruktura ng wika na gumagamit ng mga pagsasanay tulad ng  substitution drills, pattern practice at iba pa.

ü  Pangatlo,higit na mahalaga sa gumagamit ng pamaraang komunikatib kung gaano kahusay sa pakikipagtalastasan sa wika ang isang tao, hindi kung gaano ang nalalaman sa gramatika ng isang wika.

ü  Pang-apat, mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na tumatawag sa pakikipagtalastasan.

ü  Panlima, may iba’t ibang antas ng communicative competence, lalo na hindi maasahan na ang isang hindi negative speaker ay magiging mahusay sa bawat uri ng pakikipagtalastasan.

EBALWASYON

  1. I.   MALAYANG TALAKAYAN
    1. A.   Paghambingin ang mga sumusunod:
      1. estratehiyang tuwiran at estratehiyang di-tuwiran
      2. language competence at language performance
      3. socio-linguistic competence at discourse competence
      4. linguistic competence at strategic competence
      5. B.   Sagutin at pagbigyang paliwanag ang mga sumusunod na katanungan:
        1. Sa iyong palagay, bakit kailangang  ang estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ay dapat na nakaugnay sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral? Maglahad ng mga patunay.
        2. Anu-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang makabagong  kaalaman sa mga estratehiya sa pagtuturo?
        3. Ano ang pamaraang komunikatib? Paano ito nakatutulong sa mabisang pagtuturo ng wika?
        4. II.      PAGLALAPAT
          1. Muling ilahad ang nilalaman ng akronim na SPEAKING ni Hymes pagkatapos ay bumuo ka ng isang sitwasyon na aangkop dito.

 

 

 

 

 

PAMAGAT:  MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO

TARGET:  MASTER OF ARTS IN EDUCATION

(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT

TAPIK:   ANG PAGTUTURO NG FILIPINO SA BINAGONG KURIKULUM

LAYUNIN:

  1. Napalalawak ang kaalaman sa binagong kurikulum tungo sa pagtamo ng layunin sa pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas ng pag-aaral.
  2. Natatalakay at nasusuri ang iba’t ibang estratehiya/pagdulog na nakapaloob sa binagong kurikulum sa iba’t ibang antas ng pagtuturo ng Filipino.
  3. Nalalaman ang kalagayan ng nakaraan at kasalukuyang kalagayan ng pagtuturo ng Filipino sa batayang edukasyon.
  4. Nabibigyang-halaga ang kurikulum ng batayang edukasyon ng 2002 sa mga naisin nitong mapaunlad ang pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas.

 

  1. A.   Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng kasanayang Akademik

-  Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagrereistruktura ng kurikulum sa batayang edukasyon dahil sa mga sumusunod na dahilan:

  1. Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro  sa kanilang mga estratehiya sa pagtuturo.
  2. Higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang masikap na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay.
  3. Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
  4. Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang disiplina, sa mga gagamiting kagamitang paturo at multi-media sources.
  5. Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at  ito’y behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.

Sa ginawang pagrebyu ng DepEd sa dating kurikulum sa Filpino lumitaw ang mga sumusunod na obserbasyon:

(1)   Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mula elementary hanggang tersyarya. Hindi pang-linggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisang ginagawa

(2)   Hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang kailangan sa pag-aaral sa kolehiyo.

(3)   Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo (kaalamang gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang istratedyik at kaalamang sosyo-linggwistik.)

(4)   Hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang isang disiplina.

(5)   Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at kaalaman sa maunawang pagbasa at malikhaing pagsulat.

(6)   Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang sabdyek na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo at

(7)   Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT (kabuuang 64% sa loob ng 3 taon)

 

Napagpasyahang magkaroon ng pagrepokus sa kurikulum ng Filipino sa batayang framework.

ü  nilinaw na ang pangunahing mithiin sa pagtuturo ng Filipino ay ang makalinang ng mag-aaral na pangkomunikasyon.(gramatikal, diskirsal,istratedyik at sosyo-linggwistik)

ü  Tiniyak na ang diskripsyon ng Filipino bilang isang sabdyek.

ü  bilang pantulong na sabdyek sa elementary, bibigyan ng diin ang paglinang ng apat na kasanayang makro at kaisipang Pilipino.

  • lebel 1-3, idedebelop ito sa mga komunikasyong sitwasyunal sa tulong ng iba’t ibang awtentikong materyal.
  • lebel 4-6, lilinang naman sa paggamit ng Filipino sa malikhain at kritikal na pag-iisip

ü  Sa lebel sekundarya,makikilala bilang Filipino sa iskolarling pakikipagtalastasan.

  • Sa unang dalawang taon, ang pokus ay gramatika at pagbasa (1-2)
  • sa huling dalawang taon naman ay panunuring pampanitikan.(3-4)

ü  Maibubuod sa mga sumusunod na katangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa bagong kurikulum.

a)      May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan sa pag-aaral.

b)      Pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo, mga pagpapahalaga o values at mga kompetensi mula sa Agham Panlipunan at iba pang lawak ng makabayan.

c)      Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga kasanayan sa batayang komunikasyong interpersonal at sosyal.

d)     Nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na matutuhan ang nilalaman anuman ang anyo nito-teksto, grap, ilustrasyon at iba pa.

e)      May interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimedia.

f)       Humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika.

g)      Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng mga alternatibong paraang ebalwasyon, kooperatib/kolaboratibong pagkatuto, scaffolding at paglinang ng mga estratehiya sa pag-aaral.

h)      Hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sa disenyo ng pagkatuto at pag-oorganisa ng klase

 

KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO

NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON

 

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon

A. DESKRIPSYON
MGA LAWAK O KASANAYAN SAKLAW NG MGA LAWAK O KASANAYAN
           Ang Filipino bilang isang aralin o asignatura ay lumilinang  sa kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT at PAG-IISIP.            Para sa MABISANG PAGTUTURO, ang mga TIYAK NA KASANAYAN ay nililinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’t-ibang kagamitan sa LUBUSANG PAGKATUTO.
          Bukod sa kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT, ang FILIPINO bilang isang aralin ay lumilinang sa kasanayan ng PAG-IISIP.

 

           KONSEPTO NG SIBIKA AT KULTURA, ang NILALAMAN ng Filipino sa una hanggang ikatlong baitang

a. Maaaring gamitin ng Filipino ang nilalaman ng SK/HKS. Ang pokus ay nasa PAGLILINANG ng mga kasanayan sa PAKIKIPAGTALASTA-SAN.

      b.Inaasahang ang mga BATAYANG KASANAYAN sa pagbasa ay matutuhan nang lubusan sa tatlong unang baitang.

  1. PAGBABAGO SA MGA KASANAYAN O KOMPETENSI SA PAGKATUTO
1. Pagsasaayos ,pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad upang maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga ito.
2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan
3. Pagbibigay diin sa PAGBASA at PAKIKIPAGTALASTASAN para sa pag-unawa sa mga BATYANG KAISIPAN O KONSEPTO SA MATEMATIKA AT AGHAM.

 

  1. MGA INAASAHANG BUNGA
MITHIIN
            Nagagamit ang Filipino sa MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN (pasalita o pasulat) , nagpapamalas ng kahusayan  sa pagsasaayos ng iba’t-ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa KAPAKINABANGANG PANSARILI at PANGKAPWA at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

 

  1. NAKALAAN/NAKATAKDANG ORAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO
PAGBABAGO
BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO
I-III 60 80 Dagdag na 20 minuto
IV-VI 60 60 Walang dagdag
PAGBABAGO
1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80 minuto samantalang sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto
2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging 80 minuto. Walang dagdag sa Baitang IV-VI.
3. Katulad ng sa ENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA BAITANG IV-VI sa pagsasaalang-alang na ang BATAYANG KASANAYAN  sa pag-aaral ay natutuhan na sa unang tatlong baitang..

 

 

 

  1. MGA DAPAT ISINASAALANG –ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO
1. PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE METHOD

Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills –Based Integration)

HULWARAN 1
May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa isang aralin, kung saan sama-sama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.
Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng mga kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGSULAT AT PAG-IISIP.
Isaalang –alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI O LUBUSANG PAGKATUTO.
HULWARAN 2
Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang ang lahat ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay.
2.  PAGSASANIB NG TIYAK NA KASANAYAN SA FILIPINO SA    NILALAMAN O KONSEPTO NG IBANG ASIGNATURA (CONTENT-BASED INTEGRATION
TANDAAN
a.) SA BAITANG I-III
Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa kasanayan sa Pakikipagtalastasan ang pokus.
                        b.) TEKSTO/BABASAHIN/PAKSANG ARALIN NG SK AT PAGPAPAHALAGA O EKAWP GINAGAMIT NA MGA KAGAMITANG PANLITERATURA (TULA, KWENTO, ALAMAT AT IBA PA)
              Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD  sa paglinang ng mga kasanayan sa Filipino.
                Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN  ay isang kwento. Ang PAKSA o NILALAMAN ng kwento ay nauukol sa SK  at EKAWP , sa ganitong sitwasyon nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit lalo’t higit ang mga KASANAYAN sa FILIPINO.
 

 

c.)

BIGYANG DIIN ANG GANITONG PAGSASANIB SA ORAS NG TALAKAYAN SA NILALAMAN NG MGA TEKSTO O KAGAMITANG PANLITERATURA NA GINAGAMIT NA LUNSARAN NG PAGLINANG NG KASANAYAN
 

3.

INTERAKTIBONG PAGDULOG (INTERACTIVE APPROACH)

 

GURO

BATA

BATA

K-PANG

 

1

2

PAGTUTURO

 

a.)

Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon (meaningful interaction)
 

b.)

 

Isang gawaing sama-sama (collaborative activity)

 

c.)

Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan
   

1.)

Pagpaphayag ng sariling ideya
   

2.)

Pag-unawa sa ideya ng iba
   

3.)

Nakikinig sa iba
   

4.)

Bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto (shared context)

 

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon

MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SEKUNDARYA SA BATAYANG EDUKASYON
1. Ang makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang taglay niya angm mga kasanayang makro: ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita, pakikinig at pag-iisip.
2. Ang makadevelop ng isang mahusay o sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan , nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng kasanayang komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyo-linggwistik at istratedyik.
Sa Unang Dalawang Taon
               Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga tiyak na istrukturang gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay ng pagtatamo ng  wastong kasanayan sa maunawang pagbasa. Upang matamo ang mga ito, pinagsanib ang mga interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa iba’t-ibang uri ng teksto tulad ng mga tekstong prosidyural, reperensyal, journalistic, literasi at politico-ekonomik at ang pagkatuto ng iba’t –ibang istrukturang gramatikal.

 

Sa Huling Dalawang Taon
             Ang pokus ay ang pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbasa at pag-unawa sa iba’t-ibang genre ng panitikan na nakasalin sa Filipino.
Sa Bawat Taon
          Binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa iba’t-ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay pinagtutuunan ang isang liggong leksyon sa bawat markahan.

 

Sa Apat na Taon
Binibigyan ng pansin ang pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa akademikong wika.
Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng Pansin sa bawat Taon
Unang Taon Ikalawang Taon Ikatlong Taon Ikaapat na Taon
Ibong Adarna

 

Florante at Laura Noli Me Tangere El Filibusterismo

Ang Thematic Curriculum

          Ang Thematic Curriculum ay isang set ng mga organisadong karanasan sa pagkatuto gaya ng programa, kurso at iba pang mga gawain pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak at pangnilalamang tema.
Ang mga Benepisyong Matatamo sa Paggamit ng Thematic Curriculum
1. Oportunidad na matutuhan sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga karanasan sa pagkatuto.
2. Eksposyur sa mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong ibinase sa paaralan at pagkatutong nagaganap sa lugar ng paggawa at komunidad.
3. Oportunidad na mailantad ang malawakang mga karanasan awtentik.
4. Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain.
5. Oportunidad na masuri ang malawakang pagkakaloob ng hanapbuhay.
6. Higit na malawak na potensyal sa paghahanda ng higit na mataas na edukasyon at paghahanapbuhay.
7. Kakayahang makilala ang mga naiiba at di-pangkariniwang interes

 

Ang mga Benepisyong Matatamo Para sa mga Edukador
1. Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga miyembro ng grupo ng mga propesyunal na may mga estratehiya sa pagkatuto.
2. Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay nama’y mga positibong  impak sa mga mag-aaral.
3. Oportunidad para sa mga administrador na magpakita ng pamumuno sa pagsasaayos ng paaralan at pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga matagumpay na karanasan sa paaralan.

 

Ang mga Pangunahing Salik sa Lahat ng Aspeto ng Thematic Curriculum
1.  Ang Thematic Curriculum ay maaaring maipatupad sa maraming paraan gaya ng kurso, akademya klaster, magnet at ang buong paaralan.
2. Ang Thematic Curriculum ay maaaring maisanib  sa ibang mga reporma gaya ng integrasyon ng edukasyong bokasyunal at akademiko, transisyong paaralan-paggawa.
3. Ang Thematic Curriculum ay nakalaan para sa paaralang sekundarya ,bagamat maaari ring maging kapakipakinabang sa paaralang elementarya.
4. Ang Thematic Curriculum ay magsisilbing tulay upang mapagsama angmga karanasan sa pagkatuto na ibinatay sa paaralan at paggawa.
5. Ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa paggawa, maliit na produksyon at tradisyon ay binawasan ang pagpapatupad ng thematic curriculum na nabuo mula sa mga aspekto.

Ang mga Pangunahing Pagdulog sa Pagtuturo ng Filipino sa Antas ng Elemenytarya

Lapit/Pagdulog Tradisyunal Istruktural Komunikatib Whole Language
 

Teorya/Prinsipyo

 Isang organismo nasusulat, kumbensyunal ang wika pagkilala at pagbuo

 

 

   Sistemang pasalita,

arbitraryo at pang –

komunikasyon ang

wika, mekanikal ang

pagkatuto at huhubog sa mga kaugalian (habits)

Isang pormal na sis-

tema ang wika at may mga gamit ding functional para

sa mga komunikatibong pangangailangan

Isang prosesong Global at nakabase sa wika (language-based) ang pagkatuto kaya  nasa mga integradong kasanayan ang oryentasyon.Mapag-aralan

ang wika bilang tugon sa espisipikong pangangailangan.

 

 

Mga Layunin

Pagkilala at pagbuo ng mga

bahagi ng pananalita, was-

tong gamit ng salita

 

Magkahiwalay na pagsasa-

nay sa pagbuo ng mga ba-

hagi ng pananalita

 

 

 

 

Pagtatamo ng mga

kasanayan pang-ling-

gwistik (pagbuo ng mga ponema, morpe-

ma at pangungusap

 

 

Patterns, substitution

Drills, mimicry,tag-

memics (pokus sa anyo ng wika)magkahiwalay na pagtuturo ng wika at pagbasa

Pagtatamo ng kasa-

nayan

-linggwistik

-sosyo-linggwistik

-pang-diskors

-pang-estratehiya

 

 

 

 

Cooperative/interacttive learning (dyadic

exchange, group work information gap,task-oriented)

 

interaktibong pag-

aaral ng wika at

pagbasa

Pagtatamo ng literasi

na nangangahulugan

ng magkasanib na

paggamit ng mga ka-

sanayang pangwika

sa iba’t-ibang gamit

(akademik , komuni-

kasyon)

 

 

Cooperative/interacti-

ve learning,problem

solving , peer coach-

ing student empower-

ment

 

interaktibong pag-

aaral ng wika at

pagbasa/panitikan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IBA’T-IBANG MODELO

Ang Modelong Batay sa Tema o Paksa ng Pag-aaral (Theme o Topic CourseModel)

 

 

                                                             

Wika

 Agham

                                                           

                                                              Matematika

 

              Agham Panlipunan

 Iba pang saklaw ng nilalaman

 

 

 

 

Ang Modelong Magkakahiwalay (Sheltered Courses Model)

 

 

 

 

 

 

 

Ang Modelong Magkasanib (The Adjunct Model)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang Pagdulog sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman (Content –Based Instruction o CBI)

            Binibigyang kahulugan nina Brinton , Snow at Iverche (1989) Ang pagtuturong Batay sa Nilalaman bilang integrasyon ng pagkatuto sa nilalaman at sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y tumutukoy sa kasalukuyang pag-aaral ng paksa at paksang aralin , nang may porma at pagkakasunud-sunod ng presentasyong taglay ng nilalaman ng teksto. Naka-pokus ito hindi lamang sa pagkatuto, kundi sa wikang gamit bilang midyum ng pagkatuto ng matematika, agham panlipunan, at iba pang mga asignaturang pang-akademiko.

 

 

 

Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA)

MGA ESTRATEHIYA

1. Ang estratehiyang metakognitib. Ito’y tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa (Royo,1992). Ito’y pagpaplano para sa pagkatuto, pagmomonitor at produksyon, sa pagtataya kung paano natamo ang layunin sa pagkatuto.
2. Ang estratehiyang kognitib. Ito’y interaksyong may kasamang materyal (pagpapangkat-pangkat, pagtatala, pagbubuod) o paggawa ng imaheng mental, pagbabahagi ng bagong impormasyon sa dati nang natutuhang mga konsepto o mga kasanayan. Ito’y estratehiyang gingamit ng mga manmbabasa sa pagkatuto ng mga akademikong disiplina.
3. Ang Estratehiyang sosyo-apektib. Ito’y interaksyon sa iba pa upang makatulong sa kanyang pagkatuto.

 

PARAAN/TEKNIK

Pagkatutong  Tulung-tulong (Cooperative Learning)
Ito’y isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon na humihikayat sa mga mag-aaral na gumawa nang sama-sama bilang isang pangkat upang matutuhan ang aralin. Natutuhan ng pangkat ang isang partikular na konsepto o nilalaman kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isang miyembro sa diskusyon/usapan.

Ang Apat na mga kasanayan sa Pagkatutong tulung-tulong na nilahad nina Johnson at Johnson (1986):

1. Pagbuo ng pangkat
2. Paggawa bilang isang pangkat
3. Paglutas ng suliranin bilang isang pangkat
4. Pagbuo ng magkakaibang ideya.

 

 

 

Mga Kasanayan sa Pagbuo ng Pangkat

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Kasanayan sa Paglutas ng Problema

 

 

PANGKAT

  1. Pagbuo ng suliranin
  2. brainstorming
  3. paglinaw ng mga ideya
  4. pagsang-ayon sa mga ideya
  5. pagpapalawak ng mga ideya
  6. pagtingin sa maaaring maganap
  7. pagpuna sa mga ideya
  8. pagbuo ng impormasyon
  9. paghanap ng solusyon

 

Ang Mga Estratehiya sa Pagkatutong Tulung -Tulong

  1. Pagsasatao (Role Playing)
  2. Mag-isip, Humanap ng Kapareha at Makibahagi (THINK, PAIR, and SHARE)
  3. Brainstorming
  4. Graphic Organizer

 

 

 

ANG FILIPINO SA BATAYANG ANTAS NG EDUKASYON

ni Clemencia C. Espiritu, Ph. D

 

Ang Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002

Ang mga sumusunod ang naging batayan ng Kurikulum 2002

ü  Ang layunin ng edukasyong elementary, ayon sa Education Act of 1982

ü  batayang patakaran sa edukasyon sa isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987

ü  Governance of Basic Education Act of 2001 GOVERNANCE OF BASIC EDUCATION ACT OF 2001

Inilahad ang pangkalahatang tunguhin ng batayang edukasyon:

ü  linangin ang mga mag-aaral na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga batayang kasanayan sa literasi, numerasi, kritikal na pag-iisip at mga kasanayang pampag-aaral at mga kanais-nais na halagahan(values) upang sila’y maging mapagkalinga, makatayo sa sarili, maging prodaktibo, magkaroon ng kamalayang panlipunan, maging makabayan at responsableng mamamayan.

Sa nireistrukturang Kurikulum 2002, binigyang ibayong pansin ang pagsasanay para sa pagtatamo ng mga kasanayan sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga halagahan at ang pagkilala sa iba’t ibang katalinuhan ng mag-aaral (multiple intelligence)

Ang Kurikulum ng Filipino sa Antas Elementarya

  • Mithiin sa pagtuturo ng Filipino ang:

“Nagagamit ang Filipino sa makabuluhang pakikipagtalastasan, (pasalita at pasulat): nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto para makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig”

  • Layunin ng pagtuturo ng Filipino sa elementary na linangin ang apat na makrong kasanayang pangwika:pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat gayundin ang pag-iisip, sa mga baiting I-VI, ang mga tiyak na kasanayang ito ay lilinangin sa mga sitwasyong pangkomunikasyon, gamit ang iba’t ibang materyal tungo sa pagkakaroon ng masteri.
  • Dinagdagan ang oras sa pagtuturo ng Filipino sa mga baiting I-III upang magkaroon ang mag-aaral ng sapat pag-unawa sa bawat aralin at maisama ang barayti ng mga tekstong literari at di-literari sa mga gawain sa pagbasa at pag-unawa.

 

 

 

 

 

Ang Filipino sa Antas Sekundarya

  • Ilan sa mga obserbasyong iniulat ni G. Arturo Cabuhat ang mga sumusunod:

a)      Repetisyon at overlapping ng mga itinuro lalo na sa wika mula sa elementarya hanggang tersyarya.

b)      Kakulangan, kundi man kawalan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas.

c)      Mababaw na nilalaman at kasanayang nililinang

d)     Walang kaayusan at pokus sa pagpili ng kontent at pagtalakay sa panitikan

e)      Di-lubusang paglinang ng kahusayang magamit ang wikang natutuhan sa pagkatuto ng mga asignaturang itinuturo sa Filipino.

  • Nagsagawa ang DepEd ng mga hakbang tungo sa pagrereporma ng kurikulum. Sa antas Sekundarya, mithiin ng pagtuturo ng Filipino na “ makadebelop ng gradweyt na mahusay na komyunikeytor sa Filipino…”
  • May atas din na ang pagtuturo ng Filipino ay dapat gamitan ng mga tekstong hango sa mga asignaturang pangnilalaman tulad ng Aralin/Agham Panlipunan, Agham at Teknolohiya. Literatura at iba pang kaugnay na disiplina.
  • bago makagradweyt sa batayang edukasyon, dapat taglay ng mag-aaral hindi lamang ang mga kasanayang pangwikang batayan at interpersonal, kundi pati ang mga kasanayang pangwikang kognitib at akademik.

 

Pananaw sa Wikang Filipino sa Bagong Kurikulum

Ang WIKA sa dating KURIKULUM ay tinitingnan bilang asignatura na nakapokus sa paglinang ng kaalamang panggramatika at ng apat na makrong kasanayang pangwika.

Sa binagong KURIKULUM ang WIKA ay itinuturing ito hindi lamang obdyek ng pagkatuto o isang asignatura, kundi instrument rin para matuto ang mag-aaral ng marami pang bagay bukod sa Filipino.

PANANAW SA PAGTUTURO NG WIKA

  • Tunguhin ng bagong kurikulum sa Filipino na:

a)      maituro ng holistic at natural ang wika

b)      malinang hindi lamang ang kasanayan sa komunikasyong interpersonal kundi ang kognitib-akademik na kasanayang pangwika.

c)      mabigyan ang mag-aaral ng eksposyur sa mga paksang nakapaloob sa mga asignaturang pangnilalaman.

d)     malinang ang mataas na kasanayan sa pagbabasa at pagsulat

e)      malinang ang kritikal na pag-iisip ng mga-aaral

f)       maitaas ang kaalaman at pagpapahalagang pampanitikan.

 

 

 

MGA BAGONG PANANAW SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

a)      Muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng wika at ang kaugnayan ng mga ito sa nagbabagong layunin ng edukasyon

b)      Pagbibigay-diin sa pagtuturo ng wika para sa mabisa at makatotohanang pakikipagtalastasan.

c)      Pag-angat nang kaunti sa istruktural na pamamaraan at paggamit ng alternatibong pagdulog sa pagtuturo ng wika na batay sa pangangailangang komunikatib.

d)     Pagbibigay-halaga sa gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong komunikatib

e)      Higit na malawak na pagkaunawa sa pagkakaugnay-ugnay o integrasyon ng mga kasanayang pangwika tulad ng pagbasa at pagsulat, pakikinig at pagsasalita .

f)       Pokus sa paglinang ng mga programang pangwika na tutugon sa iba’t ibang antas ng pangangailangan.

g)      Interes sa mga pinagsanib na programa tulad ng wika at araling panlipunan.

h)      Pokus sa pangangailangan, interes at motibasyon ng mag-aaral; pagbibigay-diin sa proseso ng pagkatuto at ang mga estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

i)        Pagbabagong-pananaw sa kaayusan ng mag-aaral sa silid-aralan. Pagbibigay-diin sa tambalan at pangkatang interaksyon at sa peer teaching.

j)        Pagbuo sa pamamaraang eklektik at pragmatic tulad ng pagdulog na komunikatib.

 

Batay sa mga nabanggit, nagmungkahi ang DepEd ng mga pananaw at estratehiya sa pagtuturo:

  1. PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN O CONTENT-BASED INSTRUCTION (CBI)

C Integrasyon ng kontent ng mga asignaturang tulad ng Heograpiya, Kasaysayan, Sibika at Kultura, Agham at iba pa sa pagtuturo ng wika.

C mahalaga ang kolaborasyon ng guro ng wika at ng content area subject dahlia sa paggamit ng input sa dalawang lawak.

C ang layunin ng guro ay malinang nang sabay ang kasanayang pangwika at pagtatamo ng akademikong kaalaman.

Pangunahing katangian ng Pinagsanib na Pananaw

a)      Nalilinang ang mga kasanayang kognitib at pangwika

b)      Higit na natutuhan ang wika kung hindi tungkol dito sa pokus kundi kung ginagamit itong instrument sa pagkatuto.

c)      Naipauunawa ang input sa iba’t ibang kaparaanan tulad ng demonstrasyon, biswal, aktwal na pagsasagawa at manipulasyon ng nilalaman na isinasama ng guro sa mga aralin.

d)     Inaalam ang eskrima o datihang kaalaman at iuugnay ito sa bagong tapik.

e)      Ipinakikita ang mga kasanayang komunikatib sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik, interaksyon sa materyal, kapwa mag-aaral at mga guro

f)       Hinihikayat/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto

g)      Nililinang/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto

h)      Nahahamon ang katalinuhan ng mag-aaral.

i)        Ginagamitan ng whole language na mga teknik. Gumagamit ang guro ng awtentikong materyal para maituro nang makabuluhan ang pagbasa at pagsulat.

  1. TEMATIK NA PAGTUTURO

Ipinaliliwanag ng DepEd ang pakahulugan dito:

“Thematic teaching recognizes learning around ideas. It provides a framework for linking content and processes from a variety of disciplines. The theme provides coherence and focus for accompanying activities. The theme enables learners to see the meaningful connections across content or skills areas. .”

  1. INTERAKTIB NA MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO

C Mahalaga ang interaksyon sa anumang pagtuturo.

C ayon kay Well Rivers (1987) ay isang gawaing kolaboratib na kinapapalooban ng tatsulok na ugnayang nagpapahatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging pasalita o pasulat man ang komunikasyon.

C May tatlong interaksyon na maaaring lahukan ang mag-aaral:

  • interaksyon sa guro
  • sa kapwa mag-aaral
  • sa teksto o mga kagamitang pampag-aaral
  1. KOLABORATIBONG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

C Nakapokus sa KOOPERASYON ng mga mag-aaral sa mga gawaing pagkatuto.

SINTAKS NG KOOPERATIBONG MODELO SA PAGKATUTO

a)      Ilahad ang tunguhin ng gawain.

b)      Ilahad ang impormasyon.

c)      Pangkatin ang mga mag-aaral.

d)     I-monitor ang mga pangkat.

e)      Ipalahad sa pangkat ang resulta ng kanilang gawain.

f)       Kilalanin ang pagsisikap ng indibidwal at pangkat, gayundin ang kanilang natamo.

g)      Paglaanan ang mga gawaing lilinang sa iba’t ibang katalinuhan.

h)      Pagsanibin ang kahalagahan (values) sa pagtuturo at aplikasyon ng mga pagpapahalagang ito.

        Samakatuwid…

C Napakalaking hamon sa kaalaman at kakayahan ng guro ang pagpaptupad ng kurikulum lalo na ng 2002 sapagkat ang kurikulum ng 2002 ay interaktib, kolaboratib at integratib, nakapokus sa mga batayang kasanayan at kahalagahan at lumilinang ng iba’t ibang katalinuhan.

 

 

EBALWASYON

  1. I.   MALAYANG TALAKAYAN
    1. A.   Ipaliwanag ang mga sumusunod na mahahalagang salita/parirala sa Binagong Kurikulum:
  2. tematik na pagdulog
  3. interaktibong pagdulog
  4. kooperatibong pagkatuto
  5. kolaboratibong pagdulog
  6. pagtuturong batay sa nilalaman
    1. B.   Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong:
      1. Anu-ano ang naitulong ng binagong kurikulum sa pagtatamo ng layunin sa pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas? Maglahad ng ilang patunayan.
      2. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng pagbabago o baguhin ang/sa kurikulum ng ating edukasyon? Makabuluhan ba ito? Bakit? Patunayan ang iyong kasagutan.
      3. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng Thematic Curriculum sa pagpapatupad ng binagong kurikulum sa batayang edukasyon?
      4. Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan. Ano kaya ang kaugnayan nito sa pagtamo nang layunin ng binagong kurikulum ng 2002 sa batayang edukasyon?

“Tell me and I forget

Show me and I remember,

Involve me and I understand”

-Chinese Proverb

  1. II.   PAGLALAPAT
  2. Pag-aralan ang mga pangunahing pagdulog sa pagtuturo ng Filipino sa antas elementary. Pumili ng 1-2 angkop na gamitin sa pagtuturo. Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang napili.

 

 

About filipinotek

Si G. De Juan ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa isang katolikong paaralan, ang Mt. Carmel College. Siya ay nagtapos ng may natatanging karangalan. Si G. De Juan ay nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Hayskul hanggang sa kasalukuyan. Siya rin ay kasalukuyang nag-aaral ng kursong Masteral sa Aurora State College of Technology medyor ng Filipino Language Teaching (MAED-FLT). Binuo nya ang blogsite na ito sapagkat nais niyang makatulong sa pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa wika at panitikan. Hangad din niyang makatulong ang blogsite na ito sa kanyang mga mag-aaral sa larangan ng asignaturang kanyang itinuturo.
This entry was posted in MAED-FLT and tagged , , , . Bookmark the permalink.

7 Responses to ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA

  1. jovina lazo says:

    Ano po ang mga saklaw na ituturo ngayong K-12 na ang kurikulum? Salmat po…

    • filipinotek says:

      @jovina lazo, depende sa asignatura at sa antas ng pag-aaral ng mag-aaral…may inihanda ng Learning Materials at Teachers Guide ang department of Education upang maituro sa mga mag-aaral…isa ka rin bag guro?

  2. Mary Ann Hortilano says:

    dagdag impormasyon lang po tungkol sa makabagong pagdulog at estratehiya sa malikhaing pagtuturo ng komposisyon..

  3. teresa f. espinosa says:

    ano po ang diskripsiyon ng asignaturang filipino para sa mag-aaral sa unang baitang?

  4. alice says:

    maraming salamat sa mga impormasyong ibinahagi ninyo…nakakatulong ito nang malaki sa akin bilang isang guro…Mabuhya po kayo!

  5. cristy rolle says:

    anu pa po ung ibang estratehiya sa pagtuturo ng filipino

  6. PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG WIKANG PILIPINO AT ANTAS NG KASANYANG PANG-KOMUNIKATIBO NG MGA MAG AARAL SA IKA- 7 BAITANG.
    TESIS NMIN TO.SA FIL…. TULONGAN MONAMAN AKO KAHIT KAUNTE LANG. THAXKS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s