ANG EDUKASYONG BILINGGUWAL NG 1974 (1974-1986)

ANG EDUKASYONG BILINGGUWAL NG 1974

(1974-1986)

  1. A.    KAHULUGAN

BILINGGUWALISMO- isang penomenang pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung paano ang lipunan ay nakapag-aambag  sa debelopment ng wika.

&  Ang patakarang pangwika na nakasaad sa Saligang-Batas ng 1973 at 1987 ay tumutugon sa instrumental na pangangailangan ng mga Pilipino upang magkaroon ng pagkakaisa hindi lamang sa identidad sa pamamagitan ng wika

  1. B.     MGA BATAYAN SA PAGTUTURO NG EDUKASYONG BILINGUWAL 1974
  • panahon ng aktibismo at demonstrasyon- simula ng pag-unlad ng wikang pambansa.
  • Sa UP pinagtibay ng dating Presidente Salvador P. Lopez ang tinaguriang malayang bilingguwalismo. (paggamit ng Pilipino bilang midyum ng pagtuturo at ang sinumang estudyante sa UP ay makagagamit ng Ingles at/o Filipino sa anumang asignatura/aralin)
  • Noong 1969 pinagtibay ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Executive Order No.202 na bubuo sa Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) upang gumawa ng masusing pag-aaral sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon tulad ng inaasahan. . .ang wika ng pagtuturo ang siyang nakita ng komisyon na nangangailangan ng atensyon.

Pinagtibay ng PCSPE na:

(1)   ang Pilipino ang pangunahing midyum sa elementary, at ang bernakular ay pantulong na wika sa unang dalawang taon sa mga lugar na di-Tagalog

(2)   ang Pilipino at Ingles ang mga midyum sa sekundarya at tersiyarya

  • Noong 1971 sa bisa ng E.O. 318 s. 1971, binuo ng Pangulo ng Pilipinas ang Educational Development Projects Implementing Task Force(EDPITAF) sa ilalim ng pamumuno ng Kagawaran ng Edukasyon upang bumuo ng programa para sa implementasyon ng mga rekomendasyon sa Komisyon.

Kasunod nito pinagtibay noong 1973 ang palisi sa edukasyon sa pamamagitan ng bagong Konstitusyon na nagsasaad sa Sek. 3, Artikulo XIV, na:

  1. Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na makikilalang Filipino.
  2. Hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, ang Ingles at Pilipino ang dapat na mga wikang opisyal.
  • Pebrero 27, 1973, batay sa probisyon ng bagong Konstitusyon sinunod ng Lupon ng Pambansang Edukasyon ang Bilingguwal na Patakaran sa Edukasyon. Sa Resolusyon Blg. 73-7 ng Lupon noong Agosto 7, 1973, pinagtibay ang mga sumusunod (Bernabe 1987-159):

Na ang Ingles at Pilipino ay magsisilbing midyum ng pagtuturo at ituturo bilang mga asignatura sa kurikulum mula Baitang I hanggang sa unibersidad sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado.

  1. C.    IMPLEMENTASYON NG EDUKASYONG BILINGGUWAL 1974
  • Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ay naglagda sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal. Ayon sa panuntunang ito:

Ang edukasyong bilingguwal ay binibigyan ng katuturang magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura, sa pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito’y kinakailangan.

  • Ang implementasyon ng Edukasyong Bilingguwal ay binubuo ng apat na taong transisyon (1974-1978) na uumpisahan ang paggamit ng Pilipino bilang midyum sa mga asignaturang tulad ng A.P (Social Studies), Agham Panlipunan (Social Science), Edukasyong Panggawain (Work Education), Edukasyon sa Wastong Pag-uugali (Character Education), Edukasyong Pangkalusugan (Health Education).
  • Simula 1978 hanggang 1982 magiging sapilitan na ang paggamit ng Pilipino sa mga paaralan sa mga Tagalog na lugar at sa mga lugar na nagsisimulang gumamit nito noong 1974-1975.
  • Kautusang Pangkagawaran Blg. 50 s. 1975 ipinag-utos ang sumusunod:

 

Courses in English and Pilipino shall be offered in tertiary institution as part of appropriate curricula pursuant to the policy of bilingual education; furthermore, by school year 1984, all graduates of tertiary institutions should be able to pass examinations in English and/or Pilipino for the practice of their profession.

  • Nagtakda ng tiyak na programa ng pagtuturo ng Pilipino sa antas tersiyarya (MEC Order No. 22, s. 1978).
    • simula sa taong panuruan 1979-1980, magsasama sa kurikulum ang lahat ng mga institusyong tersiyarya ng anim (6) nay unit ng Pilipino.
  1. D.    EBALWASYON AT SARBEY KAUGNAY NG EDUKASYONG BILINGGUWAL 1974
  • Ang sensus ng 1970 at 1980 ay nagbigay ng impormasyon sa total na bilang ng mga isipiker sa Tagalog/Pilipino at Ingles na nagbibigay ng ilang indikasyon sa naging lawak ng bilingguwalismo sa bansa.
 

1970

 (batay sa kabuuang populasyon: 36, 684, 486)

1980

(batay sa anim na taong gulang pataas: 38, 925,000)

Pilipino/Tagalog

20,257,941 (55.2%)

29,998,000 (77.0%)

Ingles

16, 409,133 (44.7%)

25,000,000 (64.5%)

Kastila

1,335, 945 (3.6%)

Kapwa Pilipino at Ingles

 

24, 356, 000 (62.6%)

 

  • Komprehensibong pag-aaral sa Edukasyong Bilingguwal ng 1974 ang isinagawa noong 1985-1986 na binubuo nina Bonifacio P. Sibayan et. al na tinawag na Bilingual Education Evaluation (BEPE)

Sa resulta ng ibinigay na proficiency test lumabas ang sumusunod:

(a)    na ang kabuuang marka sa proficiency test ng mga guro ay mababa

(b)   ang mga guro sa Baitang VI ay nakakuha ng mataas na marka kaysa sa mga guro sa Baitang IV

(c)    samantalang ang mga guro sa ikaapat na taon ng hayskul ay walang-gaanong kaibahan ang proficiency sa mga guro sa Baitang IV

  • Ang mga pangunahing rekomendasyon ng pag-aaral ay:
  1. pagpapatuloy ng kasalukuyang patakaran sa Edukasyong Bilingguwal sa primary
  2. mas maluwag at flexible na implementasyon sa antas sekundarya lalo na sa mga lugar na di-Tagalog
  3. ang development ng Pilipino bilang wika ng lasrum at iskolarling gawain sa unibersidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa mga propesor na gamitin ang Pilipino sa kanilang pagtuturo, pananaliksik, at pagsusulat upang makabuo ng mga reperensiya sa Pilipino na magagamit sa mga paaralang elementary at sekundarya.
  4. inirekomenda rin na sa pagsasanay ng mga guro na pre-service at in-service, kailangang bigyang-diin ang pagkakaroon ng kaalaman nila sa nilalaman ng mga asignaturang itinuturo upang maging epektibo ang pagtuturo.
  5. iminungkahi rin ng mga nagsagawa ng pag-aaral na ang mga mamamayan ay dapat bigyan ng kaalaman o impormasyon tungkol sa patakaran sa wika ng edukasyon at ito ay  maipatutupad sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s