KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG KORIDONG IBONG ADARNA TULANG ROMANSA

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG KORIDONG IBONG ADARNA

TULANG ROMANSA

PAGHAHAMBING NG AWIT AT KORIDO

  • Ang AWIT at KORIDO ay dala ng mga Kastila buhat sa Europa.
  • Ayon sa isang kritiko, ang kasaysayan ng “Ibong Adarna” ay maaaring hango sa mga kuwentong bayan ng iba’t ibang bansa tulad ng Germany, Denmark, Romania, Austria, Finlad, at Indonesia.
  • Mayroon ang “Ibong Adarnang” motif at cycle na matatagpuan sa mga kwentong bayan:

-May sakit ang inang reyna o amang hari. Kailangan nang isang mahiwagang bagay upang gumaling tulad ng ibong umaawit, tubig ng buhay, at halaman.

  • May pagkakahawig ang “Ibong Adarna” sa kasaysayan:

Halimbawa:

    1. Mula ito sa Kwentong “Scala Celi”. Kinalap ng isang paring Dominiko, na sinasabing katha noong pang 1300.

-May isang haring may sakit na nangangailangan ng tubig ng buhay upang gumaling. Naglakbay-dagat ang kanyang tatlong anak ngunit ang bunso na mabait at magalang ang nakakuha ng lunas sa loob ng isang palasyo sapagkat tinulungan ito ng isang matanda.

Iba pang kahawig na kuwento. . .

2. Mula sa Denmark(1696).

-Nagkasakit si Haring Eduardo ng England at ang lunas ay ang ibong Phoenix na pag-aari ng reyna ng Arabia. Sa huli, napangasawa ng bunsong prinsipe ang reynang ito.

3. Mula sa Malayo-Polinesia,sinulat ni Renward Branstetter.

-May mga bahagi ito na kahawig ng Ibong Adarna, tulad ng tungkol sa “Halaman ng buhay” na pinaghahanap ng marami. Ang pangunahing tauhan, si Djajalankara ay may dalawang kapatid na naglilo upang siraan siya sa amang maysakit.

Ano naman ang ibig sabihin ng Tulang Romansa?

TULANG ROMANSA

– ay tulang pasalaysay tungkol sa               pakikipagsapalaran at kabayanihan.

-Ang mga tauhan ay pawang napapabilang           sa kaharian tulad ng prinsipe,     prinsesa,hari, reyna at ilang dugong                 bughaw.

-Naging palasak sa Europa,at maaring nakarating sa Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610.

-Ang palasak na halimbawa ng tulang romansa ay ang Koridong Ibong Adarna at Awit na Florante at Laura ni Francisco Baltazar.

PAGHAHAMBING SA AWIT AT KORIDO

AWIT

(sadyang para awitin)

Korido

(sadyang para basahin)

SUKAT

Tig-12 pantig ang bawat taludto

Tig-8 pantig ang bawat taludtod

HIMIG

Mabagal, banayad, o andante

Mabilis o allegro

PAGKAMAKATOTOHANAN

Ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaaring maganap sa tunay na buhay.

Ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaaring sa tunay na buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s