KATHA #5: LIPUNAN ATING TANGGULAN

Lipunan. . .ating Tanggulan

 

Sa ating lipunan na ating ginagalawan

Sari-saring problema ating  nararanasan

Subalit lipunan pa rin an gating tanggulan

Sa lahat ng ito’y hindi mawawalan

ating lipunan ang syang may solusyon.

Sa ating lipunan ating makikita

Ang pagkakaroon ng iba’t ibang ugnayan,

Nandyan ang simbahan, paaralan, pamilya at pamahalaan na

syang bumubuo nitong nasabing lipunan.

Ang bawat isa ay may kanya-kanyang paraan

Upang ating lipunan ay magkaroon ng Kapayapaan

Na kung wala ang isa, hindi matatawag na lipunan

Sapagkat sila’y nakatakda na magtulungan.

Tungkulin ng simbahan na pananampalataya ng taong bayan ay

patatagin

Upang ang mamamayan ay magkaroon ng takot sa Diyos,

Sa paaralan tayo natuto ng mga aralin na sa ati;y itinuro ng ating mahal na mga guro

Sa loob ng tahanan nagsisimula ang lahat ng pagdidisiplina, nandyan ang ama’t ina upang anak ay madisiplina

Upang tayo ay lumaki ng maayos at hindi maging sakit nitong lipunan

Ako’y naniniwala na sa lipunan nagmumula ang pagiging matatag nitong ating bansa

Na kung lipunan ay hindi matiwasay tiyak ating bansa’y hindi magiging matagumpay.

Kung kaya’t ating sikapin, lipunan natin ay ating patatagin,

Upang bansa nati’y maging matatag din.

One thought on “KATHA #5: LIPUNAN ATING TANGGULAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s