KATHA #6: SINO AKO?

Sino Ako?

Sa unang mong pagtingin sa akin

Ikaw ay tila alinlangan na ako’y kausapin

Sapagkat iyong naisip,tila di ka iimikin,

Subalit kaibigan iyong pag-aalinlangan ay iyong hawiin

At ako ay iyong lubos na kilalanin.

Ako’y isang taong tila seryoso ang dating

Nasa iyong akalay di pwedeng kausapin

Sapagkat itsura ko’y mukhang di palaimikin

Ngunit halika’t ako’y iyong kausapin at ako’y iyong suriin.

Ako’y isang taong marunong makipag-kapwa

Nasa sa Poong Maykapal ay di ko maitatatwa

Sapagkat pinalaki ng aking mga magulang na may takot sa Diyos

at marunong makipag-kapwa.

Ako’y isang taong marunong magmahal, sa aking sarili, magulang, kapwa, sa Diyos at sa ating bayan.

Ang hindi magpahalaga’y di ko magagawa,

Sapagkat aking mga magulang yan ay di itinuro at di ginawa.

Sino ba siya?, yan ang tanong na laging inuusal nang ating dila

 sa bagong kakilala,

Ngunit ang aking payo, syo kaibigan,

 bago mo husgahan ang iyong kapwa.

Ikaw muna’y makipagkaibigan

at ng siya ay iyong lubos na makilala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s