SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO: Tungo sa Maka-Pilipinong Pananaliksik

Tungo sa Makapilipinong Pananaliksik

Matagal na ring tinatalakay kung bakit nalilihis ang landas ng mga Pilipinong mananaliksik patungong kaalaman ukol sa diwang Pilipino at kung papaano ito maitutuwid. Madalas sabihing:

  • Gumamit ng sariling wika;
  • Pahalagahan ang katutubong kultura; at
  • Iwaksi ang mapagkumbabang pagtingala sa kanluraning kultura na nagsisilbing balakid sa pagtarok ng kaalaman tungkol sa katutubong kultura.
  • Kailangan ring paunlarin ang paraan kung papaano gagawin ang pananaliksik sa diwang Pilipino.
  1. Sanhi ng paglihis ng landas
  • Ang mga paksa ay pinili ayon sa interes, layunin at suliranin ng mananaliksik.
  • Ang mga paksa ay pag-uulit sa mga pananaliksik sa ibang kultura.
  • Ang mga paksa ay pinili ng mga kawanihang tumutustos sa pananaliksik, na ang karamihan ay may layuning baguhin angdating kaugalian at pamamaraan upang diumano’y ikaunlad ng bayan
  • Karamihan sa mga paksa ay hindi hango sa taong pinag aaralan, ito ay walang kaugnayan o kabuluhan sa kanilang buhay at suliranin.
  • Karamihan sa mga umiiral at tanyag na pamamaraanng pagkuha ng datos ay may oryentasyong kanluran at hindi angkop sa pag-iisip, damdamin at kilos ng Pilipino.
  • Pagkatapos mapili ang paksa at mapag-aralan ito ayon sa mga paraan na nag-uugat at lumago sa kanluran, binigyan naman ito ng kahulugan na batay sa mga teoryang hango sa mga kanluraning kultura. Dahil sa ganitong pangyayari, baluktot na realidad ang resulta ng mga pananaliksik.
  1. Mga mungkahi para sa maka-Pilipinong Pananaliksik
  • Ibatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikan.
  • Pag- aralan ang ibat-ibang paraan ng pagsisiyasat ng anumang penomeno alinsunod sa ginagamit at tinatanggap ng karaniwang Pilipino. Ang mahalaga ay hindi ang pagka-sophiticated kundi ang kaangkupan nito.
  • Iwasan ang bulag na pagpapahalaga sa resulta ng pananaliksik. Ang mahalaga ay ang paglinang sa mga pamamaraang angkop sa layunin at kontekstong Pilipino.
  • Pahalagahan ang sariling palagay at haka-haka. Makikita ang diwang Pilipino hindi sa salansan ng mga aklat kung hindi sa salita at kilos ng masa.
  • Subukan ang isang panimulang metodo ng pananaliksik na dinedebelop batay sa pagsusuri ng pananliksik sa nayon.
  1. Sa panimulang Modelo ng Maka-Pilipinong Pananaliksik
  1. Iskala ng mananaliksik
    • Ginagamit ng sinumang nagnanasang mag-aaral o magsisiyasat ng anumang bagay na nauukol sa Gawain ng tao, na may kaugnayan sa kanyang reaksyon sa mga bagay, at sa kanyang kapwa, maging kilos, pag-iisip o damdamin.
    • Mga metodong subok na ang kakayahang lumikom ng impormasyon sa kulturang Pilipino, at angkop sa pag-uugali at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
    • Iniaayos ito mula sa pinakasimple hanggang sa pinakamaslimuot ng mga paraan.
  • Pagmamasid/ pakikiramdam/ pagtatanong-tanong/ pagsubok/ padalaw-dalaw/ pagmamatyag/ pagsusubaybay
  • Pakikialam/ pakikilahok/ pakikisangkot
  1. Iskala ng pagtutunguhan ng mananaliksik at kalahok
  • Batay sa makapilipinong pananawna ang relasyon ng mananaliksik at kalahok ay pantay at nagdaraan sa iba’t ibang antas.
  • Ito’y iniantas ayon sa paglalapit ng kalooban ng mga mananaliksik at kalahok.
  • Sa mga sikolohista, iminumungkahing ang pagtutunguhan ay paratingin sa pakikipagpalagayang-loob sapagkat sa ganitong paraan lamang matatarok ang tunay na kalooban ng kalahok.
    • Pakikitungo
    • Pakikisalamuha
    • Pakikilahok
    • Pakikibagay
    • Pakiksama
    • Pakikipagpalagayang-loob
    • Pakikisangkot
    • Pakikiisa

Kahulugan ng mga Salita

  • Pakikitungo/Pakikisalamuha- ang pagsunod sa atas ng mabuting asal sa kaugalian at pakikipagkapwa. Ang pakikisalamuha ay pakikitungo sa maraming tao at higit na malapit sa pakikiisa kaysa pakikitungo.
  • Pakikibagay-ang pag-ayon ng mga kilos, saloobin ng isang tao sa kanyang kapwa. Ito’y hindi kailangang taos sa kalooban. Maaaring ang layunin nito ay 1) atas ng mabuting asal; 2) atas ng pagnanais makinabang; 3) atas ng hangaring ilapit ang loob ng isa.
  • Pakikisama-ang paglahok sa gawain ng ibang tao dahil sa pakikipagkaibigan o dahil sa maaaring ipakinabang sa hinaharap o siyang hinihingi ng pagkakataon.
  • Pakikipagpalagayang-loo-mga kilos, loobin at salita ng isang tao na nagpapahiwatig na panatag ang kanyang kalooban sa kanyang kapwa. Hindi na nahihiya sa isa’t isa at halos Ganap at walang pasubali ang pagtitiwala.
  • Pakikiisa-mga kilos, loobin, at salita ng isang taong nagpapahiwatig ng Ganap at lubos na pagmamahal, pagkakaunawa at pagtanggap sa minimithi bilang sariling mithiin din.

ANG PAPEL NG KRO-KULTURAL NA PANANALIKSIK SA PAG-UNLAD NG SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

“Ang pagkamausisa ang pumapatay sa pusa”

Sikolohiya ay tungkol sa kamalayan, sa ulirat, sa diwa, sa kalooban at sa kaluluwa.

Sikolohiya ng Wikang Filipino-pag-aaral sa sikolohiya ng mga Pilipinong bunga sa karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino na masasalamin sa biolohikal, kognitibo, debelopmental, sosyal at kros-kultural na pagsusuri sa naging pag-unlad at tunguhin ng wikang kasangkot nito.

Kros-kultural o tawid-kulturang pananaliksik-mga hambinging pananaliksik kaugnay sa iba’t ibang kultura maging sa man ng isang bansa o sa magkakaibang bansa.

Mga pangkulturang Pagkakaba at Pagkakatulad sa Pantaong Kilos at  Gawi

Ayon kay Genelle G. Morain, may 3 aspeto ng di-berbal na komunikasyon:

  1. Lenggwahe ng katawan
  2. lenggwahe ng bagay
  3. lenggwahe ng Katawan

Ray L. Birdwhistle-nagbigay ng taguring “kinesika”sa lahat ng uri ng kilos ng katawan na ginagamit sa komunikasyon.

Charles Darwin-noong  1872 ipinahayag niya na may pagkakatulad ang mga kilos at gawi ng tao kahit iba-iba ang kanilang pinagmulang kultura dahil sa ilang katangiang likas sa tao.

Mga Isinagawang pananaliksik:

  • Kultural na dokumentasyon sa pantaong kilos at galaw ba nagpapahayag ng damdamin ni I. Eibl-Eibesfeldt.
  • Ang ilang ekspresyon ng mukha ng tao ay hawig sa ekspresyon ng mga hayop.
  • May pagkakaiba-iba ang mga kilos at galaw ng tao sa iba’t ibang panig ng daigdig alinsunod sa kanilang lipunan at kulturang kinalakhan.

Saan Nagkakapareho Vs. Mga Amerikano

Takeo Doi- sa librong Amae No Kozo( Ang Istruktura ng Amae) –tinalakay niya ang isang natatanging paraan ng pag-iisip at pakikipag-ugnay ng mga Hapones

Amae-tumutukoy sa pakiramdam na nadarama ng lahat ng normal na sanggol sa dibdib ng kanyang ina.

Pagkakaiba ng Amerikano sa Pilipino at mga Hapones

  • Pagtanggap ng panauhin
  • Pag-aalok ng pagkain sa panauhin

Ang Pilipino sa Paningin ng Kanyang mga Dayuhang Katrabaho

1999-nilathala ang librong Working with Filipinos ni F. Landa Jocano tungkol sa ugnayan ng mga Pilipinong manggagawa at mga dayuhan sa limang kumpanyang multinasyonal na pinalakad dito sa Pilipinas.

  • natuklasan na hindi lahat ng problema ay teknikal
  • may pagkakaiba-iba ng pagpapahalagang Kultural,mga pamantayan at pamamaraan ng pagsasagawa ng mga bagay-bagay.

Ugaling Pilipino na hindi makagamayan (manager na Amerikano)

  • Mabagal magtrabaho
  • Hindi marunong magmadali
  • Madalas late o huli
  • Napakasensitibo
  • Mas reactice kaysa proactive
  • Mas nag-react sa pamaraan ng pagsasabi kaysa sa kung ano ang sinasabi
  • Madalang makilahok sa mga talakayan sa pulong
  • May tendensyang gumamit ng tulay kaysa tuwirang harapin ang taong kasangkot
  • Mahilig magtsismis
  • Hindi seryoso
  • Hindi deretsahan
  • Walang disiplina

Ugaling Amerikano na hindi naiibigan (manager na Pilipino)

  • Napaka-bossy
  • Hindi sensitibo sa damdamin ng iba
  • Akala nila’y alam nila ang lahat
  • Mahilig makipagtalo at soplahin ang ideya ng iba
  • Hindi palakaibigan at asal-superyor
  • Hustlers at go-getters
  • Deretsahan kung magsalita at makipagtalo
  • Mga mabubuting kaibigan kung may kailangan lamang
  • Mga workaholic
  • Hindi malinis sa katawan

Katangiang Amerikano na nais ng mga Pilipino

  • Palakaibigan
  • Bukas sa talakayan
  • Umaamin kung sila’y nagkakamali
  • Nagtatrabaho
  • Hindi pormal sa pagkilos
  • Marunong tumawa
  • Trabaho lang, walang personalan
  • Humihikayat ng pag-asa sa sarili
  • Prangka at independyente
  • Seryosong tao

Palagay ng mga Pilipino sa ibang mga asyanong manager at technician (Hapones, Koreano, Chinese-Taiwanese)

  • Napakahirap maintindihan
  • Hindi mahusay magsalita ng Ingles
  • Bastos
  • Napakaistrikto pero wala sa lugar
  • Laging nagmamadali
  • Workaholic at inaasahang ganito rin ang iba
  • Nambabatok

Palagay ng mga Hapones, Koreano at Intsik sa mga Pilipino

  • tamad
  • hindi nag-aalala sa oras
  • hindi efficient
  • hindi maayos
  • napakabagal
  • hindi seryoso sa trabaho
  • hindi propesyonal
  • lagging may utang na loob sa kamag-anak
  • lagging nangangailangan ng pera
  • hindi tapat

Jean Claude Usunier-naglahad ng mga panuntunang magagamit sa pagpili ng paksa para sa kro-kultural na pananaliksik

  1. malinaw
  2. makabuluhan para sa mananaliksik at inaasahan ng mambabasa
  3. may pagsasaligang teorya at ugnayan sa mga datos na posibleng makolekta
  4. magbubunga ng mga kapaki-pakinabang na resulta.

EBALWASYON:

  1. Anu-ano ang mga balakid sa maka-Pilipinong pananaliksik? Ipaliwanag.
  2. Ipaliwanag ang dalawang iskala sa pagsuri at pagsukat sa mga metodong pampananaliksik sa agham-panlipunan.
  3. Magbigay ng 5 ugaling Amerikano na hindi naiibigan ng mga Pilipino at 5 ugaling Pilipino na naibigan ng mga Amerikano.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s